Ezekiel 17:13
Pagkatapos ay kumuha siya ng maharlikang kaapu-apuhan at gumawa sila ng kasunduan, at pinanumpa siya nito. At dinala niya ang mga makapangyarihang tao sa lupain,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:13Naghimagsik din si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar, na siyang nagpasumpa sa kaniya ng katapatan sa pamamagitan ng Diyos. Ngunit pinatigas ni Zedekias ang kaniyang ulo at pinatigas ang kaniyang puso sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Jeremiah 24:1Nagpakita si Yahweh ng isang bagay sa akin. Masdan, dalawang basket ng igos ang nakalagay sa harapan ng templo ni Yahweh. (Ang pangitain na ito ay nangyari pagkatapos dalhin ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, sa pagkakabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang mga pinuno ng Juda, mga mang-uukit at mga manggagawa ng bakal mula sa Jerusalem at dinala sila sa Babilonia.)
Jeremiah 37:1Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.
Ezekiel 21:28Kaya ikaw, anak ng tao, magpropesiya at sabihin, 'Ang Panginoong Yahweh ay nagsasabi sa mga Ammonita patungkol sa darating nilang kahihiyan: Isang espada, isang espada ay hinugot! Ito ay pinatalim para sa pagpatay upang lumamon, kaya ito ay magiging gaya ng kidlat!