Ezekiel 2:3
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, sinusugo kita sa mga tao ng Israel, sa suwail na bansang naghimagsik laban sa akin—nagkasala sila at ng kanilang mga ninuno laban sa akin hanggang sa panahong ito!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 32:13Kaya nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel. Idinulot niyang magpaga-gala sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa ang lahat ng salinlahing gumawa ng masama sa kaniyang paningin ay nalipol.
Deuteronomy 9:27Isipin ang inyong mga lingkod, na sina Abraham, Isaac, at Jacob; huwag tumingin sa katigasan ng ulo mga taong ito, ni sa kanilang kasamaan, ni sa kanilang kasalanan,
2 Kings 17:14Pero hindi sila nakikinig; sa halip sila ay nagmamatigas tulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos.
2 Kings 17:17Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa apoy bilang mga handog na susunugin, gumamit ng panghuhula at panggagayuma, pinagbili kanilang mga sarili para gawin ang masama sa paningin ni Yahweh, at siya ay galitin.
Ezra 9:7Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Nehemiah 9:26Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.