Ezekiel 20:13
Ngunit naghimagsik ang sambahayan ng Israel laban sa akin sa ilang. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan; sa halip, tinanggihan nila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Labis nilang nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga, kaya sinabi kong, ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking matinding galit upang tapusin sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:8Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
Leviticus 26:15at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
Numbers 14:11Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hanggang kailan ba ako kamumuhian ng mga taong ito? Hanggang kailan sila mabibigong magtiwala sa akin, sa kabila ng lahat ng palatandaan ng aking kapangyarihan na aking ginawa sa kanila?
Numbers 14:22lahat ng mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at sa mga palatandaan ng aking kapangyarihang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang—tinutukso pa rin nila ako ng sampung beses at hindi nakinig sa aking tinig.
Numbers 15:31Dahil sinuway niya ang aking salita at nilabag ang aking utos, dapat itiwalag nang ganap ang taong iyon. Nasa kaniya ang kasalanan.”
Numbers 16:45“Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.