Ezekiel 21:2
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Jerusalem at magsalita ka laban sa mga santuwaryo; magpropesiya ka laban sa lupain ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
Cross References
Isaiah 37:24Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
Ezekiel 4:3At ikaw, magdala ka ng kawaling bakal, at gamitin mo ito bilang bakal na pader sa pagitan mo at ng lungsod. Iharap mo ang iyong mukha sa dakong iyon at sa lungsod, sapagkat lulusubin ito. Kaya maglagay ka ng panglusob dito! Magiging isang palatandaan ito ng sambahayan ng Israel.
Ezekiel 6:2“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga bundok ng Israel at magpropesiya sa kanila.
Ezekiel 20:46“Anak ng tao, humarap ka sa mga lupain sa timog at magsalita ka laban sa timog, maghayag ka ng propesiya laban sa kagubatan ng Negev.
Ezekiel 25:2“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga tao ng Ammon at magpropesiya ka laban sa kanila.
Ezekiel 29:2“Anak ng tao, ihanda mo ang iyong sarili laban sa Paraon, ang hari ng Egipto; magpahayag ka laban sa kaniya at laban sa lahat ng taga Egipto!