Ezekiel 21:29
Habang ang mga propeta ay nakakakita ng mga walang saysay na pangitain para sa iyo, habang gumagawa sila ng mga rituwal upang makabuo ng mga kasinungalingan para saiyo, itong espada ay nakaabang na sa mga leeg ng masasama na siyang papatayin, ang mga araw ng kanilang kaparusahan ay dumating na at ang oras ng kanilang kalikuan ay magtatapos na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 37:13Ang Panginoon ay tinatawanan siya, dahil nakikita niya na ang kaniyang araw ay parating na.
Isaiah 47:13Pagod ka na sa marami mong pagsangguni; hayaan mong tumayo at iligtas ka ng mga lalaking iyon—sila na tinatala ang kalangitan at tumitingin sa mga bituin, sila na nagpapahayag ng mga bagong buwan—hayaan mo silang iligtas ka mula sa mangyayari sa iyo.
Jeremiah 27:9At kayo! Itigil na ninyo ang pakikinig sa inyong mga propeta, sa inyong mga manghuhula, sa mga nagpapaliwanag ng inyong mga panaginip at sa mga salamangkero na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia.'
Ezekiel 12:24Sapagkat hindi na magkakaroon ng anumang mga pangitaing hindi totoo o mga pagtatanging panghuhula sa loob ng sambahayan ng Israel.
Ezekiel 13:10Dahil dito at dahil pinangunahan nila ang aking mga tao upang mailigaw at sinabi, “Kapayapaan! kahit walan namang kapayapaan, nagpapatayo sila ng mga pader na kanilang pipintahan ng kalburong pampinta.'
Ezekiel 21:25At ikaw, walang galang at masamang pinuno ng Israel kung saan ang mga araw ng kaparusahan ay dumating na, ang mga araw ng paggawa ng kasalanan ay natapos na,