Ezekiel 22:14
Makapagmamatigas baga ang iyong puso, o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawa niyaon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 40:9O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya?
Isaiah 31:3Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.
Jeremiah 13:21Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?
Ezekiel 6:10At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila.
Ezekiel 21:7At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.
Ezekiel 24:14Akong Panginoon ang nagsalita: mangyayari, at aking gagawin; hindi ako magbabalik-loob, ni magpapatawad man, ni magsisisi man; ayon sa iyong mga lakad, at ayon sa iyong mga gawa, kanilang hahatulan ka, sabi ng Panginoong Dios.