Ezekiel 25:13
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hahampasin ko ang Edom ng aking kamay at wawasakin ang bawat tao at hayop doon. Gagawin ko silang isang sira, iniwang lugar, mula sa Teman at Dedan. Sila ay mahuhulog sa pamamagitan ng mga espada!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:7Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
Isaiah 34:1Lumapit kayo, kayong mga bansa, at makinig; bigyang-pansin, kayong bayan! Ang lupa at lahat ng pumupuno rito ay dapat makinig, ang mundo, at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito.
Jeremiah 7:20Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo, bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao at sa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoy sa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.'
Jeremiah 49:7Tungkol sa Edom, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Wala na bang karunungan na matatagpuan sa Teman? Naglaho na ba ang magandang payo mula sa mga may pang-unawa? Nawala na ba ang kanilang karunungan?
Lamentations 4:21Magalak at matuwa, anak na babae ng Edom na naninirahan sa lupain ng Uz, sapagkat dadaan din ang kopa sa iyo. Malalasing ka at huhubaran ang iyong sarili.
Ezekiel 14:13“Anak ng tao, kapag nagkasala ang isang lupain laban sa akin sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan upang iunat ko ang aking kamay laban dito at babaliin ang tungkod ng tinapay nito at magpapadala ako sa kaniya ng taggutom at papatayin ang tao at hayop mula sa lupain;