Ezekiel 26:13
Sapagkat patitigilin ko ang ingay ng iyong mga awitin at hindi na maririnig pa ang tunog ng iyong mga lira!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And I will cause the noise of thy songs to cease; and the sound of thy harps shall be no more heard.
In Context
Cross References
Isaiah 14:11Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol kasama ng tunog ng iyong instrumentong may kuwerdas. Nakakalat ang mga uod sa iyong ilalim, at nakabalot ang mga bulate sa iyo.
Isaiah 23:7Nangyari ba ito sa inyo, ang masayahing lungsod, na nagmula sa sinaunang panahon, na dinala siya ng kaniyang mga paa sa napakalayong dayuhan lugar para manirahan?
Isaiah 24:8Huminto ang masayang tunog ng mga tamburin, at ang maingay at magulong pagsasaya ng mga nagdidiwang; ang kagalakan ng mga lira ay naglalaho.
Jeremiah 16:9Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Tingnan mo, sa harapan mo, sa iyong mga araw at sa lugar na ito, wawakasan ko ang inyong mga tugtugang masasaya at pagdiriwang, ang mga tinig ng lalaki at at ng babaeng ikakasal.'
Ezekiel 28:13Ikaw ay nasa Eden, ang hardin ng Diyos! Bumabalot sa iyo ang bawat mahahalagang bato: carnelian, krisolait, at onise! Topaz, at diyamanteng nagniningning, at jasper! Safiro, esmeralda at berilo! Sa ginto nakahulma ang mga batong ito para sa iyo! Inihanda nila ang mga ito upang ipasuot sa iyo sa araw na ikaw ay lilikhain!
Amos 6:4Humihiga sila sa mga higaang gawa sa garing at nagpapahinga sa kanilang mga malalambot na upuan. Kinakain nila ang mga batang tupa mula sa kawan at mga pinatabang guya mula sa kuwadra.