Ezekiel 3:27
Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 2:4At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.
Ezekiel 3:9Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Ezekiel 3:26At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Ezekiel 12:2Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan.
Ezekiel 29:21Sa araw na yao'y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Ezekiel 33:32At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa.