Ezekiel 32:29
Nandoon ang Edom, ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe, na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak: sila'y mangahihiga na kasama ng mga di tuli, at niyaong nagsibaba sa hukay.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 36:1Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom).
Isaiah 63:1Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
Ezekiel 25:1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Ezekiel 35:1Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Obadiah 1:1Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.