Ezekiel 35:13
Narinig kita nang magmalaki ka laban sa akin sa pamamagitan ng iyong bibig; nagsalita ka ng maraming bagay laban sa akin. Narinig ko ang mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:12“Narinig ko ang mga reklamo ng bayan ng Israel. Kausapin mo sila at sabihin, 'Sa gabi ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo ng tinapay. Pagkatapos malalaman ninyong ako ay si Yahweh, na inyong Diyos.'”
Numbers 14:27“Hanggang kailan ko ba dapat tiisin itong masamang sambayanang bumabatikos sa akin? Narinig ko ang mga pagrereklamo ng mga tao ng Israel laban sa akin.
2 Kings 19:28Dahil sa matinding galit mo sa akin, at dahil umabot sa aking pandinig ang iyong kayabangan, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at ang aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa paraan kung paano ka dumating.”
2 Chronicles 32:19Nagsalita sila sa Diyos ng Jerusalem gaya ng pagsasalita nila sa diyos ng ibang mga tao sa lupa, na gawa lamang ng kamay ng tao.
Job 35:16Kaya binubuksan lang ni Job ang kaniyang bibig para lamang magsalita ng kahangalan; marami siyang sinasabi na walang kaalaman.”
Psalms 74:18Alalahanin mo, Yahweh, kung paano ka binato ng kaaway ng mga panlalait, at nilapastangan ng mga hangal ang iyong pangalan.