Ezekiel 39:13
Sapagkat ililibing sila ng lahat ng tao sa lupain. Magiging isang hindi makakalimutang araw ito para sa kanila kapag linuwalhati ako. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Sa loob ng pitong buwan, ililibing sila ng sambahayan ng Israel upang dalisayin ang lupain.
Cross References
Psalms 126:2Pagkatapos napuno ang aming mga bibig ng tawanan at ang aming mga dila ng may awitan. Pagkatapos sinabi nila sa mga bansa. “Si Yahweh ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”
Jeremiah 33:9Sapagkat ang lungsod na ito ay magiging kagalakan sa akin, isang awit ng papuri at karangalan para sa lahat ng bansa sa daigdig na makaririnig ng lahat ng mabubuting bagay na aking gagawin para dito. At manginginig sila dahil sa lahat ng mabubuting bagay at sa kapayapaang aking ibibigay dito.'
Ezekiel 39:21At ipapakita ko ang aking kaluwahatian sa mga bansa at makikita ng lahat ng bansa ang paghatol na aking ginawa at ang aking kamay na inihanda ko laban sa kanila.
1 Peter 1:7Ito ay para ang inyong pananampalataya ay masubok, pananampalataya na higit na mas mahalaga kaysa sa ginto na naglalaho sa apoy na sumusubok sa inyong pananampalataya. Nangyayari ito upang ang inyong pananampalataya ay matagpuang nagbubunga ng pagpupuri, kaluwalhatian, at karangalan sa kapahayagan ni Jesu Cristo.