Ezekiel 39:17
Ngayon sa iyo, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sabihin mo sa lahat ng mga ibong may pakpak at sa lahat ng mga mababangis na hayop sa mga bukirin, 'Halikayo at magtipun-tipon! Magtipun-tipon mula sa lahat ng dako patungo sa handog na ako mismo ang gumagawa para sa inyo, isang malaking handog sa mga kabundukan ng Israel upang maaari ninyong kainin ang laman at inumin ang dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16May lungsod doon na ang pangalan ay Hamonah. Sa ganitong paraan nila dadalisayin ang lupain.'
Cross References
Genesis 31:54Nag-alok ng isang alay si Jacob sa bundok at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain. Kumain sila at nanatili sila sa bundok buong gabi.
1 Samuel 16:3Tawagin mo si Jesse para mag-alay, at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang isa na sasabihin ko sa iyo.”
Isaiah 18:6Iiwanan sila para sa mga ibon ng kabundukan at para sa mga hayop ng kalupaan. Magsisilbi silang pagkain para sa mga ibon sa tag-araw, at sa mga hayop sa lupa sa panahon ng tag-lamig.
Isaiah 34:6Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
Jeremiah 12:9Ang aking mga mahahalagang pag-aari ay isang mabangis na aso at pinalilibutan ng mga ibong mandaragit ang itaas ng kaniyang ulo. Pumunta kayo at tipunin ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mga bukirin at dalhin ang mga ito upang kainin sila.
Ezekiel 29:5Itatapon kita pababa sa ilang, ikaw at ang lahat ng isda mula sa iyong ilog. Malalaglag ka sa ibabaw ng parang, hindi ka pupulutin ni itataas. Ibibigay kita bilang pagkain ng mga nabubuhay na mga bagay sa mundong ito at mga ibon sa mga kalawakan!