Ezekiel 39:23
At malalaman ng mga bansa na nabihag ang sambahayan ng Israel dahil sa kanilang mabigat na kasalanan kung saan pinagtaksilan nila ako, kaya itinago ko ang aking mukha mula sa kanila at ipinasakamay sila sa kanilang mga kaaway upang mamatay silang lahat sa pamamagitan ng espada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Mula sa araw na iyon, makikilala ng sambahayan ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos.
Cross References
Deuteronomy 31:17Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?'
Deuteronomy 32:20“Itatago ko ang aking mukha mula sa kanila,” sinabi niya, “at makikita ko kung ano ang kanilang magiging katapusan; dahil sila ay isang napakasamang salinlahi, mga anak na hindi tapat.
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
2 Chronicles 7:21At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?'
Psalms 10:1Yahweh, bakit ka nakatayo sa malayo? Bakit tinatago mo ang iyong sarili sa oras ng kaguluhan?
Psalms 106:41Ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa, at pinamunuan sila ng mga napopoot sa kanila.