Ezekiel 39:26
At makakalimutan nila ang kanilang kahihiyan at ang lahat ng kanilang kataksilan kung saan pinagtaksilan nila ako. Makakalimutan nila ang lahat ng ito kapag mamamahinga sila nang ligtas sa kanilang lupain na walang sinumang makapagbibigay ng takot sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:5Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
Deuteronomy 32:14Kumain kayo ng mantikilya na mula sa grupo ng mga hayop at uminom ng gatas na mula sa kawan, kasama ng taba ng mga tupa, mga lalaking tupa ng Bashan, at mga kambing, kasama ng pinakamainam ng trigo— at ininum ninyo ang bumubulang alak na gawa mula sa katas ng mga ubas.
Psalms 99:8Sinagot mo sila, Yahweh na aming Diyos. Ikaw ang Diyos na nagpatawad sa kanila, kahit na pinarusahan mo ang kanilang mga kasalanan.
Jeremiah 3:24Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
Ezekiel 15:8At gagawin kong tinalikuran at walang naninirahan ang kanilang lupain dahil sa ginawa nilang kasalanan—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”
Ezekiel 16:57bago naihayag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, ikaw ay tampulan ng pagkasuklam sa mga babaeng anak ng Edom at ng lahat ng mga babaeng anak ng mga Filisteo sa kaniyang palibot. Kinamumuhian ka ng lahat ng tao.