Ezekiel 4:2
At lagyan mo ng panglusob laban dito, at magtayo ng mga tanggulan laban dito. Maglagay ng daanan na pangsalakay laban dito at maglagay ng mga kampo sa palibot nito. Maglagay ng mga pambayo sa buong palibot nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 22:7Mapupuno ng karwahe ang inyong mabubuting lambak, at magbabantay sa tarangkahan ang mga mangangabayo.
Jeremiah 32:24Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
Jeremiah 52:4Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
Ezekiel 21:27wawasakin ko ang lahat ng mga bagay! Isang pagkawasak! Isang pagkawasak! Ang korona ay mawawala na, hanggang hindi dumarating ang siyang nararapat para dito. Saka ko ito ibibigay sa kaniya.