Ezekiel 5:2
Sunugin ang ikatlong bahagi nito sa apoy sa gitna ng lungsod kapag natapos na ang mga araw ng paglusob. At kunin mo ang ikatlong bahagi ng buhok at ihampas mo ito sa pamamagitan ng espada sa buong palibot ng lungsod. At ikalat ang isang ikatlong bahagi nito sa hangin, at huhugot ako ng isang espada upang habulin ang mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Ngunit kumuha ng kaunting buhok mula sa kanila at itali ang mga ito sa iyong manggas.
Cross References
Leviticus 26:33Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
Jeremiah 9:16At ikakalat ko sila sa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sa kanila hanggang sa ganap ko silang mawasak.”'
Jeremiah 15:2At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
Jeremiah 38:2“Sinasabi ito ni Yahweh: Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay papatayin sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot. Ngunit makakaligtas ang sinumang lalabas sa mga Caldeo. Tatakas siya at mabubuhay.
Ezekiel 4:7At Ihaharap mo ang iyong mukha sa Jerusalem na kasalukuyang linulusob na hindi natatakpan ang iyong bisig, at maghahayag ka ng propesiya laban dito.
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.