Ezra 3:2
Si Josue na lalaking anak ni Jozadak at ang kaniyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na lalaking anak ni Sealtiel, at ang kaniyang mga kapatid ay umakyat at itinayo ang altar ng Diyos ng Israel upang mag-alay ng mga handog na susunugin tulad ng iniutos sa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:7Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
Exodus 27:1Dapat kang gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya, limang kubit ang haba at limang kubit ang luwag. Dapat ang altar ay parisukat na may tatlong kubit na taas.
Numbers 28:3Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
1 Chronicles 3:17Ang mga anak ni Jeconias, na bihag, ay sina Selatiel,
1 Chronicles 23:14Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita.