Ezra 5:12
Gayunman, nang ginalit ng aming mga ninuno ang Diyos ng langit, ibinigay niya sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na siyang sumira ng bahay na ito at ipinatapon ang mga tao sa Babilonia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:24sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Judges 4:2Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil.
1 Kings 9:6Pero kung kayo ay tatalikod, ikaw at ang at iyong mga anak, at hindi iingatan ang aking mga kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo, at kung pupunta at sasamba kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa kanila,
2 Kings 24:2Nagpadala si Yahweh laban kay Jehoiakim ng mga pangkat ng mga Caldean, Aramean, Moabita, at Ammonita; ipinadala niya sila laban sa Juda para wasakin ito. Ito ay naaayon sa salita ni Yahweh na sinabi sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.
2 Kings 25:1Nangyari ito na sa ika-siyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ika-sampung buwan, at sa ika- sampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar hari ng Babilonia kasama ng lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo siya sa harap nito, at nagtambak ng lupa sa paligid ng mga pader.