Ezra 6:14
Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 3:8At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
Ezra 4:24Kaya ang paggawa sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem ay nahinto hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario na hari ng Persia.
Ezra 5:13Gayunpaman, sa unang taon nang si Ciro ay hari ng Babilonia, naglabas si Ciro ng isang utos na itayong muli ang tahanan ng Diyos.
Ezra 6:8Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa.
Ezra 7:1Pagkatapos ng mga bagay na ito, sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes, si Ezra, na ang kaniyang mga ninuno ay sina Seraias, Azarias, Hilcias,
Nehemiah 6:15Ang pader ay natapos sa ika-dalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, pagkaraan ng limampu't dalawang araw.