Ezra 6:15
Ang tahanan ay natapos sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Haring Dario.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 9:9Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
Esther 3:13Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
Esther 9:1Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila.
Esther 9:17Sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at gumawa ng isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
Esther 9:21pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon.