Ezra 7:28
at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:28Sinabi ng tao, “Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob, sa halip, Israel na. Sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa tao at nanaig ka.”
Ezra 5:5Ngunit ang mata ng Diyos ay nasa mga nakatatanda ng mga Judio, at hindi sila pinigilan ng kanilang mga kalaway. Naghihintay sila ng isang liham na ipapadala ng hari at para sa isang utos na ibabalik sa kanila patungkol dito.
Ezra 7:9Siya ay umalis ng Babilonia sa unang araw ng unang buwan. Noong unang araw ng ika-limang buwan nang siya ay dumating sa Jerusalem, yamang kasama niya ang mabuting kamay ng Diyos.
Ezra 8:15Sinabi ni Ezra, “Tinipon ko ang mga manlalakbay sa lagusang papunta sa Ahava, at nanatili kami roon ng tatlong araw. Sinuri ko ang mga tao at mga pari, ngunit wala akong nakitang kaapu-apuhan ni Levi roon.
Ezra 9:9Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
Nehemiah 2:8Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.