Mga Taga-Galacia 4:8
Bago pa, nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay mga alipin sa mga bagay na likas na hindi talaga diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Howbeit then, when ye knew not God, ye did service unto them which by nature are no gods.
In Context
Read all of Mga Taga-Galacia 4
Cross References
Joshua 24:2Sinabi ni Josue sa buong bayan, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Nanirahan ang inyong mga ninuno noong unang panahon sa ibayo ng Ilog Eufrates—si Tera, ang ama ni Abraham at ang ama ni Nahor—at sinamba nila ang ibang mga diyos.
2 Chronicles 13:9Hindi ba't pinaalis ninyo ang mga pari ni Yahweh na mga anak ni Aaron at ang mga Levita? Hindi ba gumawa kayo ng mga pari para sa inyong sarili ayon sa pamamaraan ng ibang lahi ng ibang lupain? Ang sinumang dumarating upang italaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang batang toro at pitong lalaking tupa ay maaaring maging isang pari sa mga hindi tunay na diyos.
Psalms 135:15Ang mga bansa ng mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa sa kamay ng mga tao.
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Jeremiah 10:3Sapagkat walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mga kamay ng manlililok ang gumagawa nito sa pamamagitan ng palakol.
John 1:10Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya.