Mga Taga-Galacia 6:2
Buhatin ninyo ang pasanin ng bawat isa, at nang sa gayon ay matupad ninyo ang kautusan ni Cristo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Bear ye one another’s burdens, and so fulfil the law of Christ.
In Context
Read all of Mga Taga-Galacia 6
Cross References
Numbers 11:11Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Bakit mo pinakitunguhan ang iyong lingkod ng masama? Bakit hindi ka nasisiyahan sa akin? Ipinapasan mo sa akin ang pasanin ng lahat ng taong ito. Ipinagbuntis ko ba ang lahat ng mga taong ito?
1 Chronicles 19:12Sinabi ni Joab, “Kung labis na malakas ang mga Arameo para sa akin, kailangan mo akong iligtas Abisai. Ngunit kung labis na malakas ang hukbo ng mga Ammonita para sa iyo, darating ako at ililigtas kita.
Matthew 8:17Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Isaias na propeta, “Kinuha niya ang ating mga sakit at dinala ang ating mga karamdaman.”
Luke 11:46Sinabi ni Jesus, “Sa aba ninyo, mga tagapagturo ng kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga pasanin na mahirap dalhin ngunit hindi man lang ninyo hinahawakan ang mga pasanin na iyon sa isa sa inyong sariling mga daliri.
John 13:34Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa.
Romans 8:2Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.