Genesis 13:12
Nanirahan si Abram sa lupain ng Canaan, at si Lot ay nanirahan naman sa mga lungsod ng kapatagan. Nagtayo siya ng kaniyang mga tolda hindi kalayuan sa Sodoma.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Ngayon napakasama ng mga kalalakihan ng Sodoma at namumuhay sila laban kay Yahweh.
Cross References
Genesis 19:1Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
Genesis 19:29Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
1 Corinthians 15:33Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”