The Bible Software
bible.softwareGenesisGenesis 17 › Genesis 17:16

Genesis 17:16

Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will bless her, and give thee a son also of her: yea, I will bless her, and she shall be a mother of nations; kings of people shall be of her.

In Context

15Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan.

17Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?

Read all of Genesis 17

Cross References

Genesis 1:28Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.”

Genesis 15:4Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing “Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.”

Genesis 18:10Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.

Genesis 24:60Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”

Isaiah 49:23Magiging mga ama-amahan mo ang mga hari, at mga tagapag-alaga mo ang mga reyna nila; yuyuko sila sa iyo na nasa lupa ang mga mukha nila at didilaan nila ang alikabok sa mga paa mo; at malalaman mo na ako si Yahweh; silang naghihintay sa akin ay hindi mapapahiya.”

Galatians 4:26Ngunit ang Jerusalem na nasa taas ay malaya, iyon ay, ang ating ina.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Genesis 17:16

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Genesis 17:15Genesis 17Genesis 17:17 →