Genesis 18:6
Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:19Pumunta si Gideon at nag-handa ng isang batang kambing at mula sa isang epha ng harina gumawa siya ng tinapay na walang lebadura. Nilagay niya ang karne sa isang basket, at nilagay niya ang sabaw sa isang palayok at dinala ang mga ito sa kaniya sa ilalim ng punong igos, at inihandog ang mga ito.
2 Samuel 13:6Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
Isaiah 32:8Pero ang taong marangal ay gumagawa ng mga marangal na plano; at dahil sa kaniyang mga marangal na kilos siya ay mananatili.
Luke 10:38Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay.
Romans 12:13Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba.
Hebrews 13:2Huwag kalimutang malugod na tanggapin ang mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ay hindi ninyo alam na ang iba sa mga tinatanggap ninyo ay mga anghel.