Genesis 19:34
Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 3:9Ang mga mukha nila ay tumetestigo laban sa kanila; at pinagsasasabi nila ang mga kasalanan nila gaya ng Sodom; hindi nila itinatago ito. Kaaawa-awa sila! Dahil nagdulot sila ng sakuna sa mga sarili nila.
Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
Jeremiah 8:12Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya. Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa panahon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsak na. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh.