The Bible Software
bible.softwareGenesisGenesis 21 › Genesis 21:16

Genesis 21:16

Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, “Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata.” Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And she went, and sat her down over against him a good way off, as it were a bowshot: for she said, Let me not see the death of the child. And she sat over against him, and lift up her voice, and wept.

In Context

15Pagkaubos ng tubig sa lalagyang balat, iniwan niya ang bata sa ilalim ng isang mababang puno.

17Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, “Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan.

Read all of Genesis 21

Cross References

Genesis 27:38Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka bang kahit isang pagpapala sa akin, ama ko? Pagpalain mo ako, ako rin, ama ko.” Umiyak nang malakas si Esau.

Genesis 44:34Sapagkat paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata? Natatakot akong makita ang masamang mangyayari sa aking ama.”

Ruth 1:9Nawa idulot sa inyo ng Panginoon ang pahinga, bawat isa sa inyo sa bahay ng panibagong asawa.” Pagkatapos hinalikan niya sila at nagtaas sila ng mga boses at umiyak.

1 Samuel 30:4Pagkatapos nagtaas ng boses sina David at mga taong kasama niya at umiyak sila hanggang wala na silang kakayahang umiyak.

Esther 8:6Sapagkat paano ko makakayang tingnan ang kapahamakang mangyayari sa aking lahi? Paano ko matitiis na panoorin ang pagkalipol ng aking mga kamag-anak?

Zechariah 12:10Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Genesis 21:16

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Genesis 21:15Genesis 21Genesis 21:17 →