Genesis 25:21
Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:30Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak
Genesis 16:2Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
Genesis 30:22Naalala ng Diyos si Raquel at dininig siya. Dinulot niya na siya ay mabuntis.
1 Samuel 1:11Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
1 Chronicles 5:20Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.
Ezra 8:23Kaya nag-ayuno kami at humingi sa Diyos tungkol dito, at nagmakaawa kami sa kaniya.