Genesis 25:34
Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ecclesiastes 8:15Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahan ang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya sa ilalim ng araw.
Zechariah 11:13Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, “ilagay mo ang pilak sa kabang-yaman, ang pinakamahusay na halaga na halagang ibinigay nila sa iyo!” Kaya kinuha ko ang tatlumpung piraso ng pilak at inilagay ko sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh.
Matthew 26:15at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.
Acts 13:41'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.'''
Philippians 3:18Marami ang lumalakad, sila ang mga madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sinasabi ko sa inyo na may kasamang pagluha—marami ang lumalakad bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.