Genesis 28:15
Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Genesis 30:25Pagkatapos isilang ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Ipadala mo ako sa malayo, para ako ay makapunta sa sarili kong tahanan at sa aking bansa.
Genesis 32:9Sinabi ni Jacob, “Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,'
Genesis 35:6Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya.
Genesis 39:21Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose at siya ay nagpakita katapatan sa tipan sa kanya. Siya ay binigyan niya ng kagandahang-loob sa paningin ng bantay ng kulungan.
Genesis 48:16ang anghel na nagbantay sa akin mula sa lahat ng kapahamakan, nawa ay pagpalain niya ang mga kabataang ito. Nawa ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac. Nawa lumago sila at maging napakarami sa mundo.”