Genesis 28:2
Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, pamungahin ka at paramihin, para dumami ang iyong lahi.
Cross References
Genesis 22:23Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham.
Genesis 24:10Kinuha ng lingkod ang sampung kamelyo ng kanyang amo at umalis. Nagdala rin siya ng lahat ng uri ng mga regalo mula sa kanyang amo. Umalis siya at pumunta sa rehiyon ng Aram Naharaim, sa siyudad ni Nahor.
Genesis 24:29Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal.
Genesis 25:20Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo.
Genesis 29:1Pagkatapos nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay at nakarating sa lupain ng mga mamamayan sa silangan.
Genesis 32:10Hindi ako karapat-dapat sa lahat ng iyong mga gawa ng tipan ng katapatan at lahat ng pagtitiwalang ginawa mo para sa iyong lingkod. Dahil tungkod ko lamang ang dala ko nang tumawid dito sa Jordan, at ngayon naging dalawang kampo ako.