Genesis 28:4
Ibigay niya nawa sa iyo ang pagpapala ni Abraham, sa iyo, at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, para manahin mo ang lupain kung saan ka naninirahan, na ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, pamungahin ka at paramihin, para dumami ang iyong lahi.
Cross References
Genesis 12:1Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Genesis 12:7Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
Genesis 15:5Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
Genesis 17:6Pamumungahin kita nang lubos, at magmumula sa iyo ang maraming bansa, at ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo.
Genesis 22:17tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.