Genesis 29:30
Kaya pinakasalan ni Jacob si Raquel, dahil minahal niya si Raquel nang mas higit pa kay Lea. Kaya nanilbihan si Jacob kay Laban ng karagdagang pitong taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Ibinigay rin ni Laban si Bilha sa kanyang anak na babaeng si Raquel, para maging lingkod.
Cross References
Genesis 29:20Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya.
Genesis 30:25Pagkatapos isilang ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Ipadala mo ako sa malayo, para ako ay makapunta sa sarili kong tahanan at sa aking bansa.
Genesis 31:41Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses.
Genesis 44:27Sinabi ng aking ama na iyong lingkod, 'Alam ninyong dalawa lamang ang ipinanganak ng aking asawa.
1 Samuel 18:17Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh.” Sapagkat inisip ni Saul, “Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo.”
Matthew 6:24Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.