The Bible Software
bible.softwareGenesisGenesis 3 › Genesis 3:16

Genesis 3:16

Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Unto the woman he said, I will greatly multiply thy sorrow and thy conception; in sorrow thou shalt bring forth children; and thy desire shall be to thy husband, and he shall rule over thee.

In Context

15Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”

17Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.

Read all of Genesis 3

Cross References

Genesis 4:7Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.”

Numbers 30:7Kung magpapakasal siya sa isang lalaki habang nasa ilalim ng mga panatang iyon, o kung gumawa siya ng mga mapangahas na pangako kung saan pinananagot niya ang kaniyang sarili, ipapatupad ang mga pananagutang iyon.

1 Samuel 4:19Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak.

Esther 1:20Nang maihayag na ang utos ng hari sa lahat ng kabuuang lawak ng kaharian, lahat ng asawa ay pararangalan ang kanilang mga asawa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamaliit ang kahalagahan.”

Isaiah 13:8Titingin sila ng may pagkamangha sa isa't-isa; mag-aalab ang kanilang mga mukha.

Isaiah 26:17Tulad ng isang babaeng buntis na malapit na ang oras ng panganganak, siya ay nasa kirot at sumisigaw sa sakit ng panganganak; kaya kami ay nasa harapan mo, Panginoon.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Genesis 3:16

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Genesis 3:15Genesis 3Genesis 3:17 →