Genesis 30:27
Sinabi ni Laban sa kanya, “Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon, maghintay ka muna, dahil nalaman ko sa aking pagdarasal na pinagpala ako ni Yahweh para sa iyong kapakanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Pagkatapos sinabi niya, “Sabihin mo kung magkano ang iyong kabayaran at babayaran ko.”
Cross References
Genesis 12:3Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.”
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Genesis 33:15Sinabi ni Esau, “Hayaan mong ipaiwan ko sa iyo ang ilan sa mga kasama kong tauhan.” Subalit sinabi ni Jacob, “Bakit mo gagawin iyan? Ang aking panginoon ay naging mabait nang sa akin.”
Genesis 39:2Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto.
Genesis 39:21Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose at siya ay nagpakita katapatan sa tipan sa kanya. Siya ay binigyan niya ng kagandahang-loob sa paningin ng bantay ng kulungan.
Exodus 3:21Bibigyan ko ang mga taong ito ng pabor mula sa mga taga-Ehipto, kaya sa pag-alis ninyo, hindi kayo aalis na walang dala.