Genesis 31:1
Ngayon narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na sinabi nila, “Kinuha ni Jacob ang lahat na mga pag-aari ng ating ninuno, at galing sa mga pag-aari ng ating ninuno ang lahat nang nakuha niyang kayamanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Nakita ni Jacob ang anyo ng mukha ni Laban. Nakita niya na nagbago ang kanyang pakikitungo sa kanya.
Cross References
Genesis 45:13Sasabihin ninyo sa aking ama ang tungkol sa lahat ng aking kapangyarihan sa Ehipto, at ang lahat ng inyong mga nakita. Magmamadali kayo at dalhin ang aking ama dito.”
Job 31:24Kung ginawa kong aking pag-asa ang ginto, at kung sinabi ko sa mainam na ginto, 'Sa iyo ako may tiwala;'
Psalms 17:14Sagipin mo ako mula sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kamay, O Yahweh, mula sa mga tao ng mundong ito na ang yaman ay sa buhay na ito lamang! Pupunuin mo ng yaman ang mga tiyan ng iyong mga pinahahalagahan; magkakaroon sila ng maraming anak at iiwan ang kanilang yaman sa kanilang mga anak.
Psalms 57:4Ang aking buhay ay nasa kalagitnaan ng mga leon; ako ay nasa kalagitnaan ng mga handang lumapa sa akin. Ako ay nasa kalagitnaan ng mga tao na ang mga ngipin ay mga sibat at palaso, at ang mga dila ay matalim na mga espada.
Psalms 120:3Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila?
Proverbs 27:4Mayroon kalupitan ang kapootan at baha ng galit, ngunit sino ang kayang makatatagal sa pagseselos?