Genesis 31:36
Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 34:7Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa.
Numbers 16:15Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.”
2 Kings 13:19Pero ang lingkod ng Diyos ay nagalit sa kaniya at sinabing, “Dapat pinana mo ang lupa ng lima o anim na beses. Pagkatapos lulusubin mo ang Aram hanggang maubos mo sila, pero ngayon, lulusubin mo lang sila ng tatlong beses.”
Mark 3:5Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus.
James 1:19Alam ninyo ito, mga minamahal kong kapatid. Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit,