Genesis 31:50
Kung abusuhin mo ang aking mga anak, o kumuha ka ng ibang mga asawa maliban sa mga anak ko, bagamat wala tayong kasama, tingnan mo, ang Diyos ang saksi sa pagitan mo at ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 11:10Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!”
Jeremiah 29:23Mangyayari ito dahil sa mga kahiya-hiyang bagay na ginawa nila sa Israel nang mangalunya sila sa asawa ng kanilang kapwa at nagpahayag ng mga salitang kasinungalingan sa aking pangalan, bagay na hindi ko kailanman iniutos upang sabihin nila. Sapagkat ako ang siyang nakakaalam, ako ang saksi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Micah 1:2Makinig, lahat kayong mga tao. Makinig ka lupa at ang lahat ng nasa iyo. Hayaan na ang Panginoong si Yahweh ang maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon na mula sa kaniyang banal na templo.
Malachi 3:5“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
1 Thessalonians 2:5Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi.