Genesis 32:12
Ngunit sinabi mo, “Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin ng dagat, na hindi kayang bilangin dahil sa kanilang dami.”''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:17tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
Genesis 32:6Bumalik ang mga mensahero kay Jacob at sinabi, “Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Paparito siya upang makipagkita sa iyo at may kasama siyang apat na daang tao.”
Exodus 32:13Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”
1 Samuel 15:29Gayundin, ang Lakas ng Israel ay hindi magsisinungaling ni babaguhin ang kanyang isip; sapagkat siya ay hindi isang tao, na dapat niyang baguhin ang kanyang isip.”
2 Timothy 2:13Kung hindi tayo tapat, nananatili siyang tapat, sapagkat hindi niya maaaring ipagkaila ang kaniyang sarili.”
Hebrews 6:17Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa.