Genesis 32:29
Tinanong siya ni Jacob, “Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.” Sinabi nito, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?” Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:28Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak.
Genesis 28:13Masdan, si Yahweh ay nakatayo sa ibabaw niyon at nagsabi, “Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham na iyong ama, at ang Diyos ni Isaac. Ang lupang hinihigaan mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan.
Genesis 35:10Sinabi ng Diyos sa kaniya “Ang pangalan mo ay Jacob, ngunit ang iyong pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob. Ang pangalan mo ay magiging Israel.” Kaya tinawag ng Diyos ang kanyang pangalang Israel.
Deuteronomy 29:29Ang mga bagay na lihim ay nabibilang lamang kay Yahweh na ating Diyos; pero ang mga bagay na inihayag ay nabibilang magpakailanman sa atin at sa ating mga kaapu-apuhan, para gawin natin ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
1 Kings 18:31Kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ang bawat bato na kumakatawan sa mga lipi ng mga anak ni Jacob — ito ay kay Jacob na ang salita ni Yahweh ay dumating, sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.”
1 Chronicles 1:34Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak na lalaki ni Isaac ay sina Esau at Israel.