Genesis 34:12
Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:53Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina.
Genesis 31:41Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses.
Exodus 22:16Kung inaakit ng isang lalaki ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal at kung siya ay kaniyang sinipingan, dapat siguraduhin niyang gawing asawa ang babae sa pamamagitan ng pagbabayad ng kasal-kayamanan na kinakailangan para dito.
1 Samuel 18:25At sinabi ni Saul, “Ganito ang inyong sasabihin kay David, 'Hindi naghahangad ang hari ng anumang dote, isang daang pinagtulian ng mga Filisteo lamang, upang mapaghigantihan ang mga kaaway ng hari.”' Ngayon iniisip ni Saul na mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.
Hosea 3:2Kaya binili ko siya para sa aking sarili ng labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada.