Genesis 37:15
May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, “Ano ang hinahanap mo?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 4:22Habang hinahabol ni Barak si Sisera, lumabas si Jael para salubungin siya at sinabi sa kaniya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Kaya sumama siya sa kaniya, at naroon nakabulagtang patay si Sisera, na ang pakong kahoy ng tolda ay nasa tagiliran ng kaniyang ulo.
John 1:38At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, “Anung nais ninyo?” Sumagot sila, “Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?”
John 18:4Pagkatapos, si Jesus, na nakaaalam ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa kaniya, ay pumunta sa harapan at tinanong sila, “Sino ang inyong hinahanap?”
John 20:15Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Babae, bakit ka tumatangis? “Sino ang hinahanap mo?” Akala niya na siya ang hardinero kaya sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung kinuha ninyo siya, sabihin ninyo kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko siya.”