Genesis 37:18
Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
19Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, “Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin.
Cross References
Genesis 27:41Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.”
Genesis 50:20At para sa inyo, ninais niyo na ipahamak ako, pero ninais ng Diyos ito para sa kabutihan, para pag-ingatan ang buhay ng maraming tao, gaya ng nakikita ninyo ngayon.
Psalms 31:13Dahil aking narinig ang bulong-bulungan ng nakararami, nakakasindak na balita mula sa lahat ng dako habang ang mga iba ay parang nagpaplano na magkakasama laban sa akin. Sila ay nagpaplanong kunin ang aking buhay.
Psalms 37:12Ang makasalanan ay nagbabalak laban sa matuwid at nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya.
Psalms 94:21Sila ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.
Psalms 109:4Kapalit ng pag-ibig ko ay ang paninirang-puri nila, pero ipinapanalangin ko sila.