Genesis 37:4
Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:41Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.”
Genesis 37:11Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
Genesis 49:23Lulusubin siya, papanain at guguluhin ng mga namamana.
1 Samuel 17:28Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
Psalms 69:4Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.
John 7:3Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na lalaki, “Iwanan mo ang lugar na ito at pumunta ka sa Judea, upang makita din ng iyong mga alagad ang mga gawaing ginagawa mo.