Genesis 4:26
Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:8Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Deuteronomy 26:17Kinilala ninyo ngayon na si Yahweh ay inyong Diyos, at lalakad kayo sa kaniyang mga kaparaanan at susundin ang kaniyang mga batas, kaniyang mga utos, at kaniyang mga panuntunan, at makikinig kayo sa kaniyang boses.
Psalms 116:17Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh.
Isaiah 48:1Pakinggan ninyo ito, sambahayan ni Jacob, na tinawag sa pangalang Israel, at mula sa semilya ni Juda; kayo na nanunumpa sa pangalan ni Yahweh at tinatawag ang Diyos ng Israel, pero hindi taos-puso o sa matuwid na paraan.
Jeremiah 33:16Sa mga araw na iyon, maliligtas ang Juda, at mamumuhay nang matiwasay ang Jerusalem, sapagkat ito ang itatawag sa kaniya, “Si Yahweh ay ang ating katuwiran.'”
Zephaniah 3:9Ngunit magbibigay ako ng dalisay na mga labi sa mga tao, upang tawagin silang lahat sa pangalan ni Yahweh, upang paglingkuran nila ako nang may pagkakaisa.