Genesis 40:15
Dahil ang totoo ako ay inagaw palabas sa lupain ng mga Hebreo. Dito naman ay wala akong ginawa para ilagay nila ako sa bartolinang ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 14:13Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram.
Genesis 37:28Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
Genesis 39:20Kinuha si Jose ng kanyang amo at siya ay nilagay sa bilangguan, ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari. Siya ay naroon sa bilangguan.
Exodus 21:16Sinumang dumukot ng isang tao at ito ay kaniyang ipinagbili, o ang tao ay natagpuan sa kaniyang pangangalaga, ang taong dumukot ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
1 Samuel 24:11Tingnan mo, aking ama, tingnan mo ang gilid ng iyong balabal sa aking kamay. Sapagkat ang katotohanan kung bakit ko pinutol ang gilid ng iyong balabal at hindi kita pinatay, para malaman mo at makita mo na walang masama o pagtataksil sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, kahit na tinutugis mo ang aking buhay para makuha.
Psalms 59:4Naghahanda silang tumakbo tungo sa akin kahit na wala akong kasalanan; gumising ka at tulungan mo ako at tingnan.