Genesis 40:20
Dumating ang panahon sa ikatlong araw ay ang kaarawan ni Paraon. Gumawa siya ng salu-salo para sa lahat ng kanyang mga lingkod. Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 40:13Sa loob ng tatlong mga araw, itataas ni Paraon ang iyong ulo at ibabalik ka niya sa iyong katungkulan. Ilalagay mo ang saro ni Paraon sa kanyang kamay, katulad noong ikaw pa ang kanyang tagahawak ng saro.
1 Kings 3:15Pagkatapos ay nagising si Solomon, masdan ito, isa iyong panaginip. Pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon. Nag-alay siya ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan, at nagdaos ng isang handaan para sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
Esther 1:3Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan.
Matthew 14:6Ngunit noong dumating ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa gitna at nalugod si Herodes.
Matthew 25:19Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila.
Luke 16:1Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari.