Genesis 41:52
Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
53Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na.
Cross References
Genesis 28:3Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, pamungahin ka at paramihin, para dumami ang iyong lahi.
Genesis 30:6Sinabi ni Raquel, “Narinig ako ng Diyos. Tiyak na narinig niya ang aking tinig at binigyan ako ng isang anak. Kaya nga, pinangalanan niya itong Dan.
Genesis 48:16ang anghel na nagbantay sa akin mula sa lahat ng kapahamakan, nawa ay pagpalain niya ang mga kabataang ito. Nawa ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac. Nawa lumago sila at maging napakarami sa mundo.”
Genesis 50:23Nakita ni Jose ang mga anak ni Efraim hanggang sa ikatlong salinlahi. Nakita niya rin ang mga anak ni Makir na anak ni Manases. Sila ay “ipinanganak sa kanyang mga tuhod.”
Joshua 14:4Ang lipi ni Jose ay talagang dalawang lipi, Manases at Ephraim. At walang bahagi ng pamana ang ibinigay sa mga Levita doon sa lupain, pero may mga lungsod lamang para matirahan, kasama ang kanilang mga lupang-pastulan para sa kanilang alagang baka at para sa kanilang sariling materyal na pangangailangan.
Joshua 17:1Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir.